marzellynroseanne


marlon ramos
kwin aizell abando
rubylyn guirina
lily rose ferrer
jianne dela cruz

Tuesday, March 8, 2011

Talambuhay ni Mary Luz Gesta

                      Isinilang ang isang babaeng sanggol noong Hunyo 8,1994 sa isang malaking ospital sa Bayan ng San Pablo City.Pinangalanan ito ng kanyang ina ng Maryluz,isinunod niya ang kanyang apilyidong Gesta,sa kadahilanang hiwalay ang aking ina sa aking ama.
 Noong ipinanganak daw ako sa nasabing ospital,hindi pa daw makalabas ang aking ina dahil wala ang aking ama na kailanagan daw pumairma ng aking ama sa ospital para makalabas kami.Tumakas ang aking ina sa ospital para komprontahin ang aking ama na walang pakialam sa aming mag-ina.Nakausap ng aking ina ang aking ama at nakumbinsi niya itong sumama sa ospital. Nakalabas na kami sa ospital at tuluyan ng naghiwalay ang aking ina at ang aking ama.Hanggang sa ako ay nag kinder hindi ko nakita ang aking ama , pero alam ko ang kanyang itsura ng aking ama dahil may mga litratong itinabi ang aking ina.

Recognition Day
                   Noong nasa kinder ako may disgrasyang ng yari sa akin.Nabangga ako ng isang pampasaherong jeep,sa kadahilanang ako'y tumawid ng kalsada para bumili ng pagkain.May tumawag kasi sa akin na babae kaya napatigil ako sa gitna ng kalsada,saktong may dumating na jeep.Tumalsik ako sa kanal , nagiiyak ako hindi dahil sa masakit ang katawan ko , umiyak ako sa kadahilanang hinahanap ko ang piso kong tumalsik din sa kanal.Naramdaman ko nalamang na may bumuhat sa akin at dali-dali akong dinala sa pinakamalapit na ospital.
               
    Nang ako'y magising ay naramdaman kong pinupunit ang aking suot na damit,dahil baka mayroon daw akong bali , kaya iningatan nilang ealang magalaw sa aking katawan , at pagkatapos gamutin ang aking mga sugat, dinala ako sa isang kwarto . Kinausap ng nakabunggo sa akin ang aking nanay. Sila ang nag byad ng lahat ng gastusin sa gamot at ospital. Makaraan ang ilang araw nakalabas na kami sa ospital. Hindi ko na pinagpatuloy ang aking kinder diretso na ako sa pagka Grade 1, marami akong mga naging kaibigan . Sabi ng mga guro ko marunong daw ako sa klase pero sutil lang daw, lagi akong nakikipag-away sa mga kamag-aral ko, laging napapatawag ng aking ina ng aming Principal,pumunta naman ang aking ina kaya pagkatapos ni mama makig-usap, pag dating sa bahay may nakahanda ng sinturon at kung minsan manipis na kawayan.
                

 Malapit ng matapos ang taon sembreak na namin , umuwi ako sa bahay ng aking tunay na sa Sto. Tomas Batangas , doon ako nag sembreak , at ng malapit na ulit ang pasukan ayaw ko ng umuwi sa San Pablo City , hindi nila ako napilit kaya pinabayaan nalang nila ako sa gusto ko . Kaya ng matapos ang taon bumalik  ako sa pagka Grade 1 . Naging guro ko ulit ang dati kong guro kaya alam kong mabait . Minsan kasi kapag hindi ko kilala ang guro ako ay natatakot akala ko kasi matataray sila . Naging seryoso na ako sa pag-aaral akong mabuti ibinigay ko  yung makakaya ko kaya nung matapos ang taon nagkaroon ako ng honor Top 3 ako sa Top 10 kaya naman tuwang-tuwa ang aking ina , pinaghanda niya ako ng paborito kong sapaghetti at may kasama pang ice cream . Ibinalita ko ang aking nakuhang award sa aking tunay na tatay 
               

Mga Pinsan Ko
  Nag bakasyon uli ako sa Sto.Tomas nakilala ko lahat ng aking pinsan sa side ng aking ama . Lahat sila mababait pati ang tiya at tiyo ko mabait sa akin . Naglaro kami ng kuya ko at mga pinsan ko sa tapat ng bahay namin, nag hahabul-habulan kami ng hindi sinasadya ng aking kuya na ako ay maitulak sa kalasada , hindi namin alam na may paparating palang kotse,muntik na naman akong mabangga . Nang ako'y maitulak ng aking kuya nadapa ako sa gitna ng kalsada buti nalang alerto ang Driver ng kotse kaya nalang madali niyang napatigil ang kotse. Dali-dali akong tumayo kahit marami akong sugat sa tuhod at balikat napagalitan ang mga pinsan ko at lalo na ang kuya ko napalo siya ng aming papa kaya isang araw siya hindi pinalabas ng bahay . Pagkaraan ng ilang araw natapos na ang bakasyon umuwi na ulit ako sa san Pablo City,tulad ng mga inaasahan ganon parin ang ngyari , laro at aral . Grade 2 na ako noon ng lumuwas ang aking nanay patungo sa Manila , isang linggo siya doon kaya sa tita ko muna ko tumira , habang wala ang nanaya ko akoo muna ang pangalawang anak ng tita ko. Lagi ko siya tinutulungan sa mga gawaing bahay . Mabilis lumipas ang araw , nakauwi na agad ang nanay ko galing sa Manila , marami siyang mga laruan at chocolate . 
                

Natapos ang taon 3rd honor ulit ako hangang sa mag grade 3 ako 3rd honor parin ako . Nang magng Grade 4 ako wala  na akong nakuhang hono, marami na kasi akong kaklase na matatalino . Makaraan ang 2 taon Grade 6 na ako at doon nag kawatak-watak ang mga kapatid yung dalawa kong kapatid , kinuha ng kanilang amang taga Batangas . yung ate ko naman nag asawa na ,yung panganay kong kapatid maagang nag trabaho , at ako lang ang natirang naiwan sa aking nanay 

. Tinapos ko ang aking Grade 6 sa Laurel Ville . Pagka Gradute ko kumain kami sa Jollibee at doonnagdisisyon akong doon muna ako mag-aaral kasama ng kuya ko sa tunay kong tatay , iniwan ko muna ang aking ina pansamantala , pero kapag nag karoon ako ng oras , paminsan-minsan binibisita ko rin naman siya sa san Pablo City . First day of school ko noon sa San Pedro National High School , hindi kasi namin inaasahan na complete uniform agad sa unang pasukan , kaya hindi pa ako binilhan ng uniform at higit pa sa lahat sapatos. Ang ginamit ko noong sapatos ng aking pinsan  ko ramdam kong nasisira na ang sapatos na ginamit ko . Nang nasa school na kami ng pinsan ko ramdam kong nasisira siya paunti-unti pero hindi ko pinansin. Pagkatapos ng Flag Ceremony hinanap ko hinanap ko na ang room ko , nung makita ko na, hindi muna ako pumasok nahihiya kasi ako kaya nag lakad-lakad muna ako sa campus ng school. Unti-unting nasira ang aking suot na sapatos ung tipong kita na ang medyas at lapat na sa lupa ang paa ko . Umupo ako sa likod ng stage at pasimple kong hinubad ang nasira kong sapatos at pasimple ko rin itong itinapon sa basurahang malapit sa kinauupuan ko .
Barkada Ko
               Mabuti nalang at may cellphone na ako noon at tinext ko ang pinsan ko,at sinabi koa ng ngyari saakin sa sapatos ko . Pagkapunta niya sa likod ng stage nakita niya agad ako at laking inis ko ng tinawanan niya ako nakita ksi niya akong naka yapak kaya ng hiram siya sa kanyang adviser ng tsinelas . Hiyang hiya talaga ako ng araw na iyon kaya isinumpa ko talaga ang first day of school ko sa San Pedro National Hing School .Noong napahiram na ako ng tsinelas ng adviser ng pinsan ko,pumasok na agad ako sa clasroom namin . 
Nagtitinginan silang lahat sa akin yung iba nakita ko tumatawa sila dahil nakayapak ako , pero hindi ko sila pinansin . Umupo na ko sa may bakanteng upuan at nag tanung ako kung may takdang aralin kami sa unang subject namin . Marami akong naging kaibigan sa school na iyon, lahat sila ay mababaitsa akin . Mayroon na agad akong naging bestfriend sa mga classmate ko. Lagi siya ang kasama ko dahil nahihiya pa ako . Pagkaawas namin ay sya ang kasama ko paglabas ng gate ng schoo at doon na kami nag hiwalay ni Charmaine Guevarra . 
Nang sumakay na siya ng jeep tinenxt ko na ang pinsan ko dahil sila ang kasabay ko pag uwi , hindi ko pa kasi alm kung saan sasakay pauwe ng bahay . Habang naglalakad kami papuntang sakayan ay tawa ng tawa ang pinsan ko sa suot kong tsinelas medyo maliit kc sakin ang tsinelas na pinahiram sa akin . Pagkarating narin sa bahay kinuwento agad ng pinsan ko sa tita ko ang ngyari sa akin at sa sapatos na nasira , pagkatapos marinig ang kwento ng pinsan ko ay tawanan silang lahat pati ang kuya ko lagi akong inaasar kaya nung hapon na iyon nagpasama ako sa pinsan ko sa Tanuan para bumili ng sapatos,tawa parin ng tawa sa akin ang pinsan ko kaya nasabunutan ko siya habang naglalkada kami papunta sa sakayan ng jeep l. 
Bonding Time With My Friends
 Swimming Namin


Sunday, February 20, 2011

Talambuhay ni Rubylyn Guiriña

                   Mayroong isang dalagang nagngangalang Jeralyn Bon na nagbakasyon sa lugar ng Bicol dahil kinuha siya para lumaban sa mga patimpalak ng pista siya ay nagmula pa sa bayan ng San Pablo City, ang kanyang naging kapareha ay si Ruben Guiriña. At dahil sa kahusayan nilang sumayaw ay sila ang nag wagi sa patimpalak, at nang lumipas pa ang ilang mga araw ay dito na nagsimula ang panliligaw ni Ruben kay Jeralyn. Ngunit hindi agad sinagot ni Jeralyn si Ruben sapagkat marami rin naman kasi siyang ibang manliligaw. Ng lumipas ang 2 buwan si Ruben parin naman ang kanyang sinagot. At nang sumapit ang araw ng pag uwi ni Jeralyn sa kanyang bayan ay hindi na pumayag si  Ruben at ng dahil goon ay ipinatawag ng kamaganak ni Jeralyn ang magulang ni Ruben subalit tutol pa sila dahil sa edad ni Jeralyn na 15 anyos at si Ruben naman ay 19 anyos. Kaya ng makapag-isa sila nagusap silang magtanan na lamang at magpunta sila sa kaibigan ni Ruben na si Ricky na taga- Naga. Kaya lang isang gabi lamang sila doon at nagyayang umuwi si Jeralyn sa kanila sapagkat nagkataong wala siyang dalang damit. At nang makauwi sila kinausap sila ng lola ni Jeralyn na si Lola Maria na bumalik sila ng Bicol at naging masunurin naman sila at nga ay bumalik sila sa lugar ni Ruben na sa Lidong. Polangui Albay at sa hindi nila inaasahan ang ina ni Jeralyn ay nagpunta na pala sa Bicol at pagdating nila ay nadatnan nila ang ina ni Jeralyn na si Manuela Delos Santos at dahil nga sa nangyari ay napagkasunduan na sila na lamang ang magsama hanggat wala pa sila sa tamang edad para ikasal. At dahil sa kanilang pagsasama lumipas ang 2 buwan si Jeralynay nagbuntis at nang sumapit ang araw ng paglilihi maraming mga pagkain siyang inaayawan at tuwing umaga ay lagi siyang nagsusuka. 

Rubylyn and mama
            At nang lumipas ang mga buwan ay sumapit din ang kanyang panganganak sa araw ng Marso 1, 1995 ng umaga  na isang munting sanggol na babae ang pinangalanang Rubylyn Guiriña. At dahil dito napagdisisyunan ng kanilang mga magulang na pekein muna ang kanilang mga edad upang sila ay mapakasal upang ang bata ay maparehistro agad kaya sila ay ikinasal noong Abril 10, 1995 sa huwes lamang at ginanap ang kanilang handaan sa isang restaurant lamang. At lumipas ang mga araw ay naging masaya sila at nang sumapit naman ang Octobre 4, 1995 ay kanilang mapagdisisyunan na pabinyagan na ang kanilang anak na kasabay ng pista ng kanilang bayan at nagkaroon naman sila ng kahit kunting handa. At nang mag-iisang taon na ang kanilang anak ay nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan, kaya umuwi si Jeralyn sa San Pablo at iniwan niya ang kanyang anak sa kanyang asawa. At pagdating niya doon siya ay pinagsabihan ng kanyang ina na kuhanin ang kanyang anak. Kaya kinabukasan din ay bumalik siya at kasama niya ang kanyang ina sa Bicol. At ang mag-asawa ay pinag-usap ng kanilang mga magulang ngunit hindi talaga sila magkaintindihan kay kinuha na lamang niya ang kanyang anak nasi Rubylynat bumalik sila ng San Pablo. Kaya ng sumapit ang kaarawan ng kanyang anak ay nasa San Pablo sila makalipas ang isang linggo dumating ang kanyang mga biyanan at asawa na may dalang jeep upang sila ay kauning mag-ina at dahil narin sa pakiusap ng kanyang mga biyanan at pamilya ay nagsama nalang silang muli alang-alang sa kanilang anak. At sila ay bumalik na ng Bicol. At sila ay nagsama muli at naging masaya namang muli. At lumipas nanaman ang 2 taon ay muling sinundan kaagad nila at nagbuntis nanaman si Jeralyn at dumating nanaman ang paglilihi. Marami nanamang inaayawan si Jeralyn. At dumating nanaman ang araw ng kanyang pagsilang noong Nobyembre 30, 1997 na isang lalaki at kanila itong pinangalanang Marvin Guiriña. At ang bata ay bininyagan noong oct. 5 sa araw nanaman ng pista ng Bicol. At nagkaroon parin ng konting handaan at lumaon ay naging masaya naman sila sa piling ng kanilang dalawang anak ngunit isang araw ay kina-usap ni Jeralyn ang asawa na kung maari ay magbukod na sila dahil sa nakapisan parin sila sa kanilang biyanan at nagkaroon nanaman sila ng hindi pagkakaunawaan at dahil doon ay umuwi nanaman si Jeralyn sa kanyang mga magulang kasama ang ang kanyang dalawang mga anak sa San Pablo at pagdating niya doon ay kinausap siya ng kanyang pamilya at siya ay nagpaliwanag na gusto na niyang bumukod at magkaroon ng sariling tahanan. Kahit maliit lamang sa kadahilanang mayroon pang kapatid si Ruben na mga dalaga na minsan ay hindi niya makasundo kaya hinayaan muna siya ng kanyang ina na tumigil muna sa kanyang pamamayahay. At nang lumipas nanaman ang isang linggo ay dumating muli ang kanyang mga biyanan at asawa at tinanong si Jeralyn kung ano ba talaga ang problema at nangsabihin niya ito ay pumayag naman ang kanyang mga biyanan na ipagawa sila ng kahit na maliit lamang na bahay na mapalit sa lugar lang nila at sumama na muli si Jeralyn pabalik sa Bicol. At habang ipinagagawa ang kanilang bahay ay doon muna uli ila nakatigil sa bahay ng kanyang biyanan. At dahil sa hindi pagkakasundo ng mga kapatid ni Ruben ay nag away sila ni Jeralyn., dahil doon ay minadali ang pagpapagawa ng kanilang bahay. Makalipas ang tatlong linggo, sila ay lumipat na sa kanilang bagong bahay at nagkaroon sila ng padasal. Mula noon naging maayos muli ang kanilang pagsasama. Marami paring pagsubok ang dumaan sa mag-asawa ngunit kanila itong nilampasan. At nang maayos na muli ay nagbuntis muli si Jeralyn at nang dumating nanaman ang araw nang paglilihi marami nanaman siyang gustong kainin. Lumipas ang mga buwan dumating ang araw ng panganganak noong Oct. 1, 1999 at ang ipinanganak niya ay isang lalaki at pinangalanan nila itong Ryan at lumipas ang isang taon ay pinabinyagan noong Oct. 5 , 2000 at sumapit ang apat na taon ay nagkaroon nanaman ng problema at sa dahilang hindi na niya nagugustuhan ang ginagawa ng kanyang asawa sa kanyang mga bisyo at wala nang ginawa kundi uminom ng alak, barkada, sugal, at sabong. Kaya umalis siyang muli at isinama niya ang anak na si Ryan.

Bunsong kapatid at Si Rubylyn
        At iniwan niya ang kanyang anak na kung saan ay nag-aaral na sa pangkat 3 ng elementarya sa Lidong Polangui Albay Elem. School. At ang pangalawa naman niyang anak ay nasa ika-unang pangkat na ng Elementarya at lumipas ang 2 taon ay bumalik si Jeralyn at Ryan kasama niya ang kanyang ina upang kuhanin ang kanyang 2 anak. Noong una ay ayaw pa kaming ibigay ng aming ama hanggang sa umabot na ito sa Barangay at doon sila nagusap-usap at tinanung ang dalawang bata kung kanino nila gustong sumama, at pinili naman namin ang aming ina. Matapos ang usapan ay hinanda na nila ang kanilang mga gamit at umuwi na na kami sa San Pablo kasama ang aming ina. At dito pinag-aral po ang dalawa at iniwan niya namang kaming 3 sa aming lola upang magtrabaho. At nabalitaan niyang mayroon naring bagong pamilya ang aming ama pagkalipas ng ilan pang mga taon.
Dito pa lamang nagsisimula ang aking talambuhay sapagkat ng sa Bicol pa  ako nag-aaral mula kinder hanggang kalahati ng grade six ay marami na rin akong naging karanasan at syemre marami narin akong naging kaibigan sa Lidong Polangui Elem. School pero ng umalis ang ina ko ng 2 taon at kaagad kaming kinuha ng aking mga kapatid at umuwi kami sa 
San Pablo upang doon ako mag-aral ay hindi kaagad ako nakapag-adjust dahil nga sa bagong pakikisama sa aking mga bagong kaibigan kamag-aaral sa San Roque Elem. School pero ng tumagal ako sa paaralang iyon ay marami narin naman akong naging mga kaibigan at ang araw ng aking pagtatapos sa Elementarya ay ako na ata ang pinakamalungkot sapagkat hindi kumpleto ang aking pamilya. Ngunit ng lumaon ay nakasanayan ko narin ang walang ama. 

ang pamilya ko



        Nag-aral ako sa CLDDMNHS ay doon ka naramdaman ang kahirapan sa pag-aaral dahil noon ay pa easy-easy lamang ako dahil noong ay ayos lamang kahit bumagsak ako pero ngayon ko na realized na dapat ko pa palang pag-igihan dahil nakikita ko na ngayon ang paghihirap ng aking ina sa pagtatrabaho upang mabuhay at mapag-aral lamang kami, nagtatrabaho pa siya sa malayo upang mabigyan lamang kami ng aming mga pangangailangan. Pero hanggang ngayon ay hindi parin nagbibigay ang aking ama ng sustentokahit isang-libo lamang para sa aming magkakapatid. 

2011 family picture
             Kaya hanggang ngayon 4th year na ako ay pinagiigihan ko pa lalo ang aking pag-aaral para matutulungan ko pagdating ng araw ang aking ina, at ngayon din 4th year ako ay nagtatrabaho sa paloadan upang ang magiging sahod ko nalamang ang gagawin kong pambaon upang makabawas man lamang ako sa mga gastusin sa bahay. Kaya ngayong magtatapos na ako ay ako na siguro ang pinakamasaya dahil nagbunga rin ang paghihirap ng aking ina at kahit na mayroon parin akong kinanakit sa aking ama ay mahal na mahal ko pa rin siya, dahil umalis si mama ng dalawang taon ay siya ang nag-alaga at bumuhay din sa amin kaya nagpapasalamat parin  ako sa kanya.








JS Prom
W/ my friends

Saturday, February 19, 2011

Talambuhay ni Kwin Aizell C. Abando

Sila ang aking mga magulang.
                             Isang magandang araw ang nangyari ng magkakilala sina Carlito Abando at Edna Colube.   Si Carlito ay tubong batangenio ,nadestino siya sa San Pablo City upang magtrabaho.madalas siyang bumili sa isang tindahan kun gsaan si Edna ang nagtitinda roon. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay tumibok ang kanilang puso para sa isa't isa.Ang kanilang pagmamahalan ay humantong sa kasalan na ginanap noong hulyo 26,1981. Naging masaya ang kanilang pagsasama.Nagkaroon sila ng limang anak na sina Gretel Mae, Jake Hanzel, Kristel Gaile, Frenstrelle at Kwin Aizell.

Noong ako ay apat na buwan. 
Noong ako ay limang buwan na!
                           Ako si Kwin Aizell C. Abando bunso sa magkakapatid.Ipinanganak noong Enero 22,1995. Isinilang ako sa San Pablo City, District Hospital. Nang ipinanganak daw ako noon sabi ng aking ina ay hindi man lang daw ako noon umiiyak. Patay daw ako noon sa inakala nila. Itim na itim daw ang balat ko. Tanda pa ng aking ina na isang baguhang nurse ang bumuhat at itiniwarik ako upang paiyakin upang mlaman kung ako'y buhay                        Sa mabuting palad ay buhay naman. Ngunit sa pagbuhat sa akin ng baguhang nurse ay bumakat ang mahaba niyang kuko sa aking binti na hanggang ngayon sa aking paglaki ay lubog na peklat ang naiwang marka.  Pinaglihi raw ako ng aking ina sa gatas kaya naman maputi ako noong ako'y bata pa. Sa palipas ng bawat araw ay naging isang ganap na kristiyano na ako. Bininyagan ako sa isang simbahang katoliko.Isang taon pa lamang daw ako noon ay nakakalakad na ako. Nang makaisang taon at kalahati naman nung ako'y makapagsalita.

Limang taong gulang ako dito

Ang aking mga kapatid, pinsan at guro
               Hindi na daw ako noon nakapagkinder sapagkat takot pa daw ako noon pumasok sa eskwelahan. Kaya naman ang nagsilbing guro ko noon ay ang aking ina. Tinuruan niya akong magsulat at magbasa. Tanda ko pa nga na mayroon din kaming recss time noon ni mommy. Madali nanman daw ako natuto kaya nung sumunod na taon ay meron na akong lakas ng loob na pumasok na sa eskwelahan.
                     Anim na taong gulang ako noon ng ako'y mag-aral sa unang baitang, sa San Pablo Central School,S.P.C. Naging masaya ako dahil marami akong naging kaibigan sa paaralan na ito. Elementarya pa lamang din ako noon ng ako'y magsimulang magkaroon ng crushes.Sa paaralang din ito ako nakapagtapos ng elementarya. Sobrang saya dahil nakatapos ako pero may halong lungkot sapagkat magkakahiwa-hiwalay na kaming mga magkakaibigan. Mag-iba iba na ang eskwelahang aming papasukan.
Labing tatlong taong gulang na ako nito,')
                           Hayan  at sumapit na ang pasukan. Nasa unang antas na ako ng hayskul. Bagong paaralan para sa akin , malaking pagbabago ang aking naramdaman. Kaba't takot ang nangibabaw sa aking kalooban sapagkat bagong pakikisama din ang aking gagawin. Hindi naman gaano naging mahirap sa akin ang pakisamamahan ang mga bago kong kaklase. Naging maayos naman ang aking naging pag-aaral sa bago kong paaralan . Marami akong naging mga kaibigan na nung una ay kinaiilangnan ko pa, pero nasanay na rin naman ako nang magtagal. Sa taong din ito nang ako'y umibig. Isang sakristan ang nakapagpatibok na aking puso, si Jerome Dizon. Nobyembre 2,2007 nang sya'y aking sagutin. Nakilala ko siya sa San Roque Church,sya ay isa ngang sakristan doon at miyembro naman ako ng isang organisasyon doon ng choir. Pero lihim lang ang relasyong iyon. Ngunit dalawang buwan lamang nagtagal ang aming pag-iibigan. Hindi ko na rin inalam kung bakit siya umayaw dahil tanggap ko naman na ayaw nya na. Naging inspirasyon ko na lamang ang una kong pag-ibig. Pinagbuti ko na lamang ang aking pag-aaral. Subalit nang makalipas ang tatlong buwan ay di ko pa rin napigilan ang sarili kong muling buksan ang aking puso sa isang lalaking di ko inaasahang mamahalin ko rin. Siya si Demetrio Tayobong, kaklase ko siya,at naging kami noong marso 10,2008.naging masaya rin naman ang aking pangalawang pag-ibig kahit lihim lang din ang aming relasyon. Subalit hindi ko talaga maramdaman sa kanya na seryoso siya sa akin. kaya wala pang isang buwan ay hiniwalayan ko na sya. Dahil ayoko ng maramdaman pang muli ang sakit na naramdaman ko sa una kong pag-ibig.
Si ate Gretel at si ate Kristel,  
Dumating ang buwan ng abril, bakasyon na! masaya ako dahil napagtagumpayan ko ang unang antas sa sekondarya. Ang sabi ko noong una ay ang aking pamilya at ang taas lang ang paggugugulan ko ng aking panahon, at un ay nangyari nga. 
Si ate Kristel at ako
             lumipas ang maraming araw, pasukan na naman. ako'y nasa ikalawang antas na ng hayskul. marami ring naging bago sa paningin ko dahil mayroon din nagbago sa mga kaklase ko. Napahiwalay kasi ang iba kong kaklase dahil iba't iba na ang aming seksyon, ang iba ay tumaas. Naranasan ko sa antas na ito ang makipag-away ng dahil na rin sa hindi namin pagkakaunawaan hanggang sa di na talaga kami magkaimikan ng buong taon. siya ang aking matalik na kaibigan. Dito ko naranasan ang maikumpara ako ng aking guro sa aking kapatid. Mas mahinhin pa daw ang aking kuya kaysa sa akin. Sumapit ang buwan ng Agosto, pag-ibig na naman ang nagreyna sa puso ko, si Ardion Guia na isa ring sakristan sa San Roque Church na matagal na ring nanliligaw sa akin noon., ay natutunan ko na rin siyang mahalin. Naging bukas ang aming relasyon sa aming mga magulang. Siya na nga ang para sa akin ng mga sandaling iyon. Seryoso ang pagmamahalan namin noon. Ngunit nakaapektong iyon ng lubos sa aking mga grado. Hindi ako nagkaroon ng tamang paggugugulang panahon. Mabuti na nga lamang at napagpayuhn ako kaagad ng aking ina kaya napagbuti ko pa ang aking pag-aaral. Lumipas ang tatlong buwan ay nadala na naman ako sa mapusok na panahon. Isang lalaki na hindikoaakalaing magkakagusto sa akin. Disyembre noon, nalilito ako sa aking damdamin. Hindi ko mawari kung sino ang dapat kong mahalin. Ang kasintahan kong lagi kong nakaksama o ang isang baguhang tapag-ibig ko pa lamang? Nang dahil nga nasa mapusok na panahon ako ay nagdesisyon akong mahalin si Amiel Villagracia, ngunit wala pa ring isang buwan ay nalaman ng aking mga magulang na iba na pala ang aking kasintahan at hindi na si Ardion. Nalaman rin nila na hindi maganda ang ugali ni Amiel kya't agad kaming pinaghiwalay ni mommy. Maraming araw na rin ang nagdaan aay nakumbinsi naman akong muli ni Ardion kaya minahal ko na rin siyang muli. Naging maayos na ang lahat. Natapos ko na rin ang pangalawang antas ng hayskul.')
                        Nasa ika-tatlong antas na ako. Nakipag-ayos na sa akin ang matalik kong kaibigan. Si Lorielyn D. Abril. Kasabay noon ay naging kaibigan ko na rin si Mary Grace Dellosa..Naging masaya ang aming pagsasama. Sa bawat araw ,kaming tatlo lamang ang magkakasama.Wala sa amin noon ang salitan "away".Kay Lorie ko naman naranasan ang kami'y mapaguidance. Dahil sa aming paglabas ng room ng mayroon pa kaming klase .Kaya ipinareport kami ng aming guro sa guidance. Takot na takot ako noon. Buti na nga lamang at napatawad kami kaaagad ng aming titser. Lumipas na ang buwan ng hunyo at hulyo. Maayos pa rin ang relasyon namin ni Ardion, mag-iisang taon na kami sa aug.15. Nang sumapit ang araw na iyon ay naramdaman kong sya na talaga ang para sa akin. Gusto na rin kasi siya ng aking magulang at tanggap naman ako sa kanila. Lahat na nang kamag-anak ko'y kilala na siyang lubos.Ngunit ng malaman ko at ng aking ate na may pinopormahan na syang iba ,ay agad kaming pinaghiwalay ni ate. Hindi ko na napagbigyan sa dala ng aking emosyon. Nasayang ang isang taon pagsasama namin.
                     Isang magandang balita naman ang aking narinig sa kabila ng kalungkutan ko. Mayroon kasing "concert" na magaganap sa aming parokya. Kami mismong mga kabataan doon ang mag-peperform.  Magkahalong saya at kaba ang naramdaman ko at tila sabik na sabik na akong maganap iyon. Wala kaming sinayang na sandali nagsimula kami ng pag-eensayo. Sumali ako sa isang "free workshop" para matutunan ko ang tamang pagkanta sa harap ng madaming tao at maging malakas ang aking loob.Si Teacher Lea ang nagtuturo sa amin noon, mayroon din kaming "free voice lesson". Ang kantang "Ugoy ng Duyan" ang inawit ko noon. Agosto 29, 2009 ng ginanap ang aming concert, kabang-kaba ako noon, pasalamat ako sa Diyos pagkatapos kong umawit dahil naawit ko ng maayos ang nakaatang na awitin para sa akin.At dahil sa concert na ito ay mabilis akong nakamove on noon. Kaya't pinagpatuloy ko pa ang aking buhay nang hindi nawawalan ng pag-asa. Naisip ko na rin ng mga oras na iyon na malapit na akong tumuntong sa ikaapat na antas kung kailan ako'y makakapagtapos na ng pag-aaral. Sumapit at natapos ang araw ng pasko at bagong taon, ay masaya naman ang aking naranasan.
Enero 3,2009 noon ng ako'y muling umibig. Siya ay si Eljay Luces na matagal na ring nagkakagusto sa akin at nitong Enero lamang naglakas loob manligaw. Naging masaya naman ako sa relasyong iyan. Mabait siya at maalalahanin.                   Pebrero naman noon, malapit na ang araw ng mga puso kung saan magkakaroon ng isang prominade ang mga junior at senior ng aming paaralan . Kasali ako noon at syempre naging masaya ako ng gabing iyon dahil ang 1st dance ko ay si Eljay. Marami nya akong beses isinayaw, kada isang magandang awitin ay niyayaya niya akong isayaw. Naroon din ang mga Kaklase na isinayaw rin naman ako. Naging espesyal talaga sa akin ang gabing iyon. Nakatanggap kaming mga dumalo ng isang unang pula bilang isang souvenir.
    sa bawat pagbilis ng oras ay syang gaano kabilis ng panahon. Kung gaano din nagbabago ang panahon ay sya rin namang pagbabagong naramdaman ko para kay Eljay. Hindi rin naman siguro kami para sa isa't isa kaya nagdesisyon na akong hiwalayan siya. Hindi naging madali sa akin ang desisyong iyon pero talagang desidido na ako. Pagkatapos ng relasyong iyon ay nangako na ako sa sarili kong di na ako makikipagrelasyon dahil malapit na sa puntong ako ay makakatapos na ng pag-aaral. Inisip ko muna na bago ako mag 4th year hayskul ay pag-aaral muna ang aking pagtutuunan ng pansin. Wala noon sa bokabularyo ko ang pakikipag-boyfriend.
                     Nasa ika-apat na akong antas ng hayskul, sabik na ako sa pagtatapos. Ang sarap sa pakiramdam na humantong na ako sa ganitong sitwasyon. Unang pasukan pa lamang noon ng Hunyo ay labis ko ng kinatatakutan ang aming adviser dahil kilala siyang isang "terror teacher" sa aming paaralan. Noong unang araw ng pasukan ay sobra akong kinakabahan sa aking mga bagong guro, ngunit pansamantala itong nawala ng maramdaman kong mababait naman sila. Sa paglipas n bawat arw ay padami ng padami na naman ang aking natututunan.Nagkaroon ako ng interes na pag-aralang mabuti ang asignaturang pisika. Ang adviser namin ang nagtuturo sa amin ng "Physics" isa siyang magaling na guro kaya naman mas madali akong natuto sa aming mga leksyon. Naging paborito ko ang asignaturang ito, dahil din dito ay napasama ako sa isang "Science Camping". Ang saya saya ng unang gabi, walang tulugan. Hinding hindi ko talaga yun makakalimutan. Ang kasakasama ko noon ay ang aking kaibigan na si Lorielyn. Tanda ko pa na may pangyayari noon na biglang umulan,naghabulan kami ni Lorielyn sa ulanan. Napakasaya talaga ng mga sandaling iyon. Naligo rin kami ng sabay noon sa banyo. madami kaming "activity" na isinagawa noon at madami din akong lubos na natutunan.
                                  Hindi lang sa paaralan ako may natututunan maging sa simbahan,isang "concert" na naman ang naganap sa aming parokya. Noong Oktubre 29, 2010 ito ginanap. Sa pagkakataong ito lalo akong nahasa sa pagkanta dahil sa bawat araw ng pag-eensayo. Naka-duet ko pa noon ang aking kapatid na si Kuya Frenstrelle, ang awiting "Wind beneath my wings at You raise me up" ang aming inawit. At ang hindi ko malilimutang nangyari noon ay ang napasayaw nila ako. Hiyang-hiya ako noon dahil hindi ako magaling sumayaw, pero wala akong magawa dahil kailangan. May pagkakataon pa na sa gitna ako napapwesto,buti nalang nagawa ko ng maayos ang mga "steps" na tinuro sa amin. Marahil sa tulong na rin ng Panginoon kaya nagkaroon ako ng lakas ng loob na makasayaw sa harap ng madaming tao. Naging maganda ang kinalabasan ng aming "concert" kaya naman masaya ang bawat isa sa amin noon, sulit ang pagod ng bawat isa. Sa Simbahan ko rin natagpuan ang aking huling mamahalin. Hindi ko natupad ang pangako ko sa aking sarili. Talagang wala akong nagawa pang pigilin ang damdamin ko para sa kanya. Siya ay si Jean Benedict Josue, isa sa mga kachoir ko roon. Bukas ang aming relasyon sa aming mga magulang. Isa pang di ko malilimutan na nangyari sa akin sa loob ng simbahan ay ang magkaroon ng isang "play". Tuwing Simbang-Gabi ay taon-taon namin itong ginagawa kasama ang lahat ng kabataan sa bawat organisasyon ng simbahan. Naranasan kong gumanap bilang isang guro sa isang ampunan, nahirapan akong gawin ito dahil hindi naman ako magaling sa pag-arte, kinakailangan ko pa nga na umiyak noon, ngunit hindi ko yun nagawa nagpanggap na lang akong umiiyak.Sa kabila ng lahat ng pagod namin noon, bilang "reward" sa amin ng aming kura paroko ay nagpunta kami sa Enchanted Kingdom,unang pagkakataon kong makapunta doon. Ang ganda-ganda ng paligid.Sumakay ako sa isang "rides" ito ay ang "Space Shuttle" habang ako ay nakasakay doon ay punong-puno ng kaba ang aking puso lalo na ng nagsimula na itong paandarin.Sumakay din ako sa "Anchor's Away na nakatabi ko si Ben. Sumakay din ako sa "Rio Grande" naranasan ko din ang mabasa dahil sa rides.Napakasaya ko talaga ng araw na iyon,tila bitin ang oras na inilagi namin doon. Dahil gabi na rin kami nakapunta doon.
                       Sa pagsapit ng Enero , buwan din kung kailan ko pinagdidiwang ang aking kaarawan. Ito na yata ang pinakamasayang kaarawan na nangyari sa akin. Sapagkat halos lahat ng kaibigan ko sa choir ay nakapunta sa aking pagdiriwang kasama na dun si Ben na pinakaespesyal na taong dumalo sa aking kaarawan. Bandang hapon na noon ay hindi ko akalaing  hindi pa pala tapos ang pagsasaya dahil sinorpresa pa ako ng Parish Youth Ministry na isa ring organisasyon ng choir sa San Roque. May handog sila sa aking isang "chocolate cake" at pansit.')
                       Pebrero na naman, sumapit ang araw ng mga puso. Binigyan ako ni Ben ng bulaklak na lubha ko namang ikinasaya sapagkat non lang ako nakatanggap ng ganon. At Nagkaroon naman muli ang aming paaralan ng isang junior and senior prominade. Kasali akong muli. Hindi gaano naging masaya ang prom na ito para sa akin, pero ito na rin yung huling event na makakasama ko ang mga naging kaibigan ko kaya magandang karanasan na rin ito upang may maganda rin namang ala ala sa kanila.
                       Hindi lang diyan magtatapos ang buhay ko at pinapangako ko na kahit anong mangyari magtatapos ako ng aking pag-aaral sa kolehiyo. Hindi lang ang magulang ko ang magiging inspirasyon ko kundi ang aking minamahal na si Ben. Pinapangako kong mamahalin ko na siya habang buhay.')Pinapangarap kong makatulong sa aking magulang at mapaginhawa na ang kanilang buhay. Pasaway man ako, hindi man ako katalinuhan, pero pinapangako ko ring magkakaroon ng magandang direksyon ang aking buhay. Pinapangako kong hindi mapapako ang lahat ng aking pangako.
Ang kasalukuyang ako.')

ang talambuhay ni jianne dela cruz

aco toh ngaun :)

4 years old aco
    Ako si Jianne Dela Cruz.Pangalawa sa pitong magkakapatid.Ang aking ina ay si Regina Dela Cruz at ang aking ama ay si Edison Dela Cruz.Ang panganay kong kapatid ay si Jinno sumunod ako pangatlo si Edison Jr. sumunod si Joshua Reed panglima si Angelika sumunod si Angelo at ang bunsong kapatid namen si Jake Christian.Madame man kame masaya naman kahit minsan may hindi pagkakaunawaan at nauuwi sa away ONE BIG HAPPY FAMILY ika nga.
Bago ko simulan ang pagkwekwento sa aking talambuhay ay balikan muna natin kung paano nagkakilala at nag ibigan ang aking ama't ina.Nagkakilala sila taong 1990 ipinakilala ng pinsan ng mommy ko si daddy na pamangkin ng naging asawa nya.Nagtatrabaho si mommy bilang Secretary sa isang kilalang pagawaan ng jeep habang ang daddy ko naman ay pamangkin ng isa ding pagawaan ng jeep.Hindi pa uso noon ang text kase hindi pa uso ang cellphone kaya nagtatawagan nalang sila sa telepono,hanggang mainlove na sila sa isa't isa pero nagkahiwalay sila nag punta ang daddy ko sa bicol dahil dun sya nadistino nagkaroon sya doon ng ibang girlfriend kaya nakipaghiwalay ang moomy ko sa kanya.Lumipas ang taon bumalik si daay dito sa san pablo nagkaroon ng pagkakataon na magkita sila ulet at dahil mahal na mahal pa nila ang isa't isa ay nagkabalikan sila at nagpakasal noong taong may 22,1994 hanggang sa isilang nila ang an aming panganay na kapatid at noong sumunod na taon ay ipinanganak ako.
kaming mag pipinsan aco ung nsa gitna ..

kinukwento sa akin ng mommy ko na noong ipinagbubuntis nya ako ay nambababae si daddy syem[re msakit yon para sa aking ina pero hindi sya nawalan ng loob para sumuko at hanggang ngayon pito na kameng magkakapatid ay magkasama pa rin silang dalwa kahit na madameng pagsubok ang dumaan sa kanila ay hindi sila sumuko.Tuwang tuwa ang mommy at daddy ko na lumalaki akong maganda at malusog na bata.




Lagi akong isinasama ng mommy ko sa pamamasyal.Noong limang taon ako ay nag kinder na ako ang pinaka bata sa aming magkakaklase at kahit ganoon ay nakapasa naman ako.Nag grade 1 ako ng anim na taon mahiyain at walang masyadong kaibigan pero palagi akong sumasali sa mga school activities at nag aaral ng mabuti.Sumali ako noon ng MTAP para maging advance pa lalo ang aking kaalaman sa matematika mahilg din akong sumali sa mga sayaw noon sa school namen.Tanda ko pa nung grade 3 ako ay nagka dengue ako gawa siguro yun ng lagi namen pag tambay sa likuran ng paaralan ilang linggo din akong hindi nakapasok non at naospital.Nakuha din akong muse ng aming section.Lumipas pa ang mga araw at buwan ay madame na akong mga naging kaibigan.Tuwing awasan namen ay naglalaro kame ng sikyo malapet sa may eskwelahan.Pagkatapos non ay sabay sabay na kameng nag uuwian.Paborito ako ng mga guro namen noon dahil sa aktbo ako sa pag aaral at palaging sumasagot.Noong grade 5 ako ay nagkaroon ako ng crush sa crush din ng bestfriend ko kaya tinago ko nalang ang nararamdaman ko kase crush lang naman yon at ayokong magkaaway kame ng bestfriend ko.Naging sila nong best ko at crush ko pero hindi nagtagal ay naghiwalay sila dahil ako daw ang gusto nung crush namen kaya nasaktan ung best ko at nagalet sya non sa aken,ilang linggo din nya akong hindi pinansin humingi ako sa kanya non ng tawad at sabi ko hindi ko na papansinin ung crush namen wag lang syang magalet sa aken at nagka ayos naman kame.
graduation namen ..
Graduation namen non malungkot kae magkakahiwa hiwalay na kameng lahat at madame akong masasayang alaalang natutunan sa kanila at sa mga guro na naging pangalawang magulang namen.
Wala din akong masyadong kaibigan at kakilala samen hindi kase ako gala noon at nalabas sa amen mga pinsan at tita ko lang ang lagi kong nakakausap.
aco at si gela
kaya noong nag unang pasukan ng firsy year ay wala akong kakilala kaya sobrang mahiyain ako buti nalang ay naglakas loob ung dalwa kong katabe nakipagkilala sila sa akin si Joana at si Charmaine sila yung kauna unahang naging kaibigan ko noong hayskul kame din yung lageng magkakasama kase hindi din nila masyadong ka close yung mga kaklase namen tawag nga sa amen noon TRES MARiAS.Ilang linggo pa ang lumipas ay naging barkada na din namen non si Mika at Annalin.
mga barkada co
mhaldita ghurls
Tapos may nakaaway kame noon si alirte nya kase tapos yon naging kaibigan na din namen sya sa huli mabaet naman pala sya.Tawag sa grupo namen mhaldita ghurls.Ang mhaldita daw kase namen gusto lageng may away.haha :) Tapos noong madame na akong natutunan sa kanila,minsan sa hindi na din kame nakakapasok at nakakapag cutting classes puro barkada kase pero masaya naman kase sa kanila ko lang nararanasan ung mga ganon kase pag nasa amen ako hindi naman malungkot hindi rin masaya sapat lang.Tapos pag minsan uuwi ako nag aaway pa si mommy at daddy pero kapag kasama ko ang mga barkada ko napapasaya nila ako tapos sasabihin nila barkada masamang impluwensya hindi naman siguro noh siguro sa paningin ng iba ganon pero ang barkadahan namen iba madame mang kalokohan kame pa ren ang magkakasama.Meron akong naging boyfriend non,pinakamatagal ko sya dame din nameng pinag daanang lungkot at saya pero siguro hindi lan talaga kame para sa isa't isa kaya nagka hiwalay kame.Pareho kameng nasaktan non hanggang ngayon umaasa pa rin sya na magka ayos kame pero sabe ko sa kanya friends pa ren kame.
aco at si cathy
at ngayong 4th year na kame sa section D hindi namen inaakala na mapapalipat kame ng section kase sobrang ayaw talaga namen doon hindi kase namen sila ka close , napalipat kameng dalwa ni joana sinubukan namen magpalipat ng ibang section pero hindi pumayag mga guro kaya nagtiis nalang kame.Akala namen wala kameng makakasundo tapos ilang araw pa naging close namen si Lily tapos naka sundo na din namen iba pa nameng kaklase.Ngayong 4th year madameng activities ang ginagawa at sinasalihan namen huling taon na kase.Noong sci camp sumama ako para naman maka bonding mga kaklase ko 3 days kame sa skul super saya salawan tapos madaling araw na kame natutulog.Tapos nong cheer dance kalungkot kase hindi kame nanalo kahit ginawa na namen yung best namen sobrang dameng pagod prero ayos lang kase masaya naman.


Bakit ganon may mga bagay na ayaw muna pero hindi mu naman kayang iwan kase sila ung nagpapasaya sayo ??? kahit na bawal at madameng hadlang ..mahal na mahal ko sya pero hindi kame para sa isa'isa ..drama :)
jianne :))

Thursday, February 17, 2011

Ang AkingTalambuhay ni : Lily Rose Ferrer

Isang araw sa lugar ng San Antonio 1,San Pablo City ay may nakatirang nagngangalang Lily (ang aking ina) tuwing sabado at linggo pag walang pasok ay tinutulungan niya ang kanyang ina na magtinda ng lansones,hanggang sa isang araw ay may bumili ng lansones na nagngangalang Abner (ang aking ama) sa una nilang pagkikita ay nagkaroon ng pagtingin si Abner kay Lily at ganon din naman siya.Hindi nagtagal ay niligawan ni Abner si Lily at sinagot naman niya ito.Lumipas ang ilang taon ay nagdesisyon ang dalawa na magpakasal.Naging matatag ang kanilang samahan at nagkaroon ng bunga ang kanilang pagmamahalan.ang panganay na si Albert Ferrer (ang aking kuya)pinanganak siya noong Agosto,8,1993.Naging masaya ang aking mga magulang dahil sa kanilang naging unang anak..Lumipas naman ang dalawang taon ay sinundan ito at babae naman ang naging pangalawang anak at ito ay ako si Lily Rose Ferrer ang pangalan ko ay sinunod sa pangalan ng aking ina pinanganak ako noong Pebrero,19,1995 sa San Antonio 1,San Pablo City.at ang aking kapatid na bunso na si Jan Alfon Ferrer pinanganak siya noong Oktubre,15,1996.
Ako ay pinalaki ng aking ina na mayroong takot sa Diyos at gumagalang sa nakakatanda.Sila rin ang naging unang guro ko sapagkat tinuruan niya ako kung paano ang magsulat at magbasa.Ang lagi sa aking sinasabi ng aing ina ay dapat akong makisalamuha sa iba upang ako ay magkaroon ng maraming kaibigan na masasandigan sa tuwing ako ay may problema.Ako ay inienrol ng aking ina sa Central School upang doon pumasok ng kinder ngunit,ako ay hindi tinanggap sapagkat ang sabi ng mga guro ng naturang Paaralan ay puno na ang bawat pangkat ng paaralan kaya nagdesisyon ang aking magulang na ilipat na lang ako ng Paaralan at ito ay sa San Antonio 1,Elementary School at doon ako pumasok ng kinder,Grade 1 hanggang Grade 6.
Marami akong naging karanasan sa Paaralang ito dahil dito ako unang natuto kung paano makisama sa ibang tao naging masaya ako sapagkat lahat ng kaklase ko ay kasundo ko.Nang ako ay tumungtong ng Grade 1ay sinanay na kaming tatlong magkakaibigan ng aming guro na si Mrs.Alcantara upang magsayaw ng doxology sapagkat tuwing mayroong programa sa aming Paaralan ay kaming tatlo ay sumasayaw ng doxology at ito ang sumisimbolo ng dasal ng naturang programa nakasanayan na ng lahat sa aming paaralan na tawagin kaming tatlo na “Tatlong Maria” sapagkat kami ay laging magkakasama kahit saan magpunta..Ang mga kaibigan kong ito ay sina Edlyn at Abegail.Lagi kaming masaya dahil ang aming mga ina ay lagi ring magkakasama at magkakasundo.Ako ay laging ipinanglalaban ng aming pangkat at ang aking kapareha ay sina Charl o kaya ay si Kevin.Aking naalala noong ako ay Grade 2 ay may oras at araw na ako ay tinatamad pumasok at ako ay umuuwi sa aming bahay at madadatnan ko doon ang aking ina na galit na galit sa akin at ako noon ay napunta sa bahay ng aking lola pero aking napag-isip noon na dapat hindi ko sinasayang ang pagkakataon upang ako ay makapag-aral.Nang ako ay dumating ng Grade 3 doon ako nag-umpisang sumama sa mga activity ng mga Girls Scout napakasaya ng mga araw na iyon dahil ang ganda ng pinuntahan naming lugar at ito ay sa Callerai.At noong Oktubre 16,2003 naman ay ang kauna-unahang sama ko sa Girls Scout Camping ang dami kong nakilalang galing sa iba’t ibang paaralan at noong ako ay Grade 4 naman ay unang pasukan noon at hindi ako nakapasok ng isang linggo dahil namatay ang aking lola noong June 11,2004 hinding hindi ko siya makakalimutan dahil sa tuwing ako ay pinapagalitan ng aking ina ay kay lola ako pumupunta at nasanay ako na tuwing umaawas ako ng hapon ay sa bahay agad ni lola ako napunta at humahalik ako sa kanya at tuwing makikita niya ako na maagang maaga na nakahalumbaba ay tinatapik niya ang aking kamay at noong ako naman ay Grade 5 ang hinding hindi ko malilimutan ay ng ako ay pinagalitan ng aking guro na si Mrs.Mercado dahil may bisita kami ay ako ay biglang napasigaw sapagkat hinagisan ako ng kaklase ko ng ipis ayon pala ay isa lamang itong laruan sobrang nainis ako sa kanya pero humingi naman siya ng paumanhin sa akin.At noong ako ay Grade 6 ay sumali ako sa volleyball at naging player naman ako noon marami akong natutunan sa karanasang iyon.Ang hindi ko rin malilimutang karanasan noong ako ay Grade 6 , Feb.15,2006 dahil lumaban ako ng Miss Valentine sapagkat nang ako ay rumampa na sa intablado suot ang aking mahabang saya ay hindi ako makababa sa hagdan sapagkat ang haba nga ng saya kong iyon naisipan ko na lang na sipain ito at hindi ko akalain na pagtatawanan ako ng mga manonood at hurado pero ayos lang sa akin dahil isa iyon sa mga karanasan ko .


Nang dumating kami sa araw ng graduation day ay hindi namin napigilang umiyak dahil magkakahiwalay na kaming lahat.At lalo kaming napaiyak ng kantahin na naming ang YOU RAISE ME UP.At hindi ko rin akalain na hahalikan ako ng aking adviser noong grade 5 na si Mrs. Mercado nagulat ako noon at syempre nagpasalamat na din ako sa kanya.Nang magbakasyon kami ay nagset ang aming guro ng swimming at ito naman ay natuloy.At pagkatapos noon ay naisipan ng pinsan ko na si ate khaycie na magtinda ng halo-halo para kahit walang pasok ay magkaroon kami ng pera.At sa loob ng dalawang buwan ay maayos naman ang takbo ng aming pagtitinda at kumita naman kami ng malaking pera.Nang sumapit ang unang araw ng enrollment sa Paaralang Dizon High ay hindi ako natanggap sapagkat mayroon naman daw Paaralan ng San Vicente na mas malapit sa amin.Hindi ako noon nawalan ng pag-asa kaya humingi nalang kami ng aking ina ng tulong kay ate janeth pinsan ko na isa sa mga guro ng Paaralang Dizon High,dahil sa tulong nya nakapasok ako sa gusto kong paaralan.Ang naging section ko ay 1-F at ang aking naging ay si Mrs.Tolentino naging maganda at maayos ang takbo ng aking pag-aaral dahil sa first year lang ako noon ay takot pa ako sa mga guro.Nakaaway ko noon si jhaymille na ngayon naman ay super mag-bestfriend na kami.


At nang second year na ako ang naging section ko din noon ay 2-F at ang aking guro ay si Mrs.Delos Angeles,napakabait niya dahil noong pirmahan ng clearance ay binilang niya kung ilan ang lista namin sa maiingay at ganoon din kadaming floorwax ang dadalhin namin sa kanya bilang katumbas nito.Ang turingan naming lahat noon ay magkakapatid lahat sobrang close sa isat-isa kahit ang mga lalaki.Lagi sa aming galit ang guro namin dahil sobrang kulit at ingay pa namin,pero si Mr.Ang ay tuwang-tuwa sa amin at ganoon din naman kami sa kanya dahil tuwing biyernes ay nagpapakanta siya upang mahasa pa ang aming talento.Minsan pa kapag magbibigay siya ng pagsusulit lagi naman siyang tulog kaya hindi niya kami masisisi kung kami ay maggayahan.Tuwing awasan namin sa hapon ay minsan hindi muna kami nauwi dahil natambay pa kami sa oval at lagi din kami noon nag-eensayo ng Florante at Laura,dahil lalaban ang section namin.Nag-eenjoy kami sa bawat ginagawa namin at nang sumapit na ang araw ng labanan ay hindi kami nanalo pero kahit ganun naging masaya kaming lahat dahil isa itong karanasan para sa aming mag-aaral.


Nang malapit na ang bakasyon ay nagusap-usap kaming magkakaklase na mag swimming,madami ang nakasama noon ang saya-saya sobra lalo na ng magkainan na ang sarap ng luto ng gulay na langka at pritong isda lahat kami noon ay nag-enjoy ng sobra.At ng sumapit na ang bakasyon ay nagusap-usap naman ang mga pinsan ko na mag-night swimming sa Tierra De Oro sobrang lapit lang nito sa amin kami ni ate khaycie ay sumama kahit wala kaming pera,pero hindi kami natiis ng pinsan ko kaya sila nalang ang sumagot ng entrance namin at hindi lang isang beses iyon ito ay naulit pa ng maraming beses sobrang saya noon dahil halos gabi-gabi kaming nag swimming at walang sawaan at ito ay libre lang sa amin.At nang ako ay third year na ang section ko noon ay 3-F at kami pa rin ang magkakaklase mayroon lang ibang nadagdag at ang iba ay tumaas.Masasabi ko na ngayong third year ang pinaka-masayang karanasan para sa akin,dahil sa sobrang saya puro kalokohan pero syempre hindi naming pinababayaan ang aming pag-aaral.At ang lagi naming tambayan ay ang koridor kaya ang tawag sa amin ng aming guro na si Mrs.Deomano ay “Koridor Girls”.Hinding-hindi ko din makakalimutan ang paghuli sa amin ng isang guro nung kami ay nasa koridor dahil maaga pa noon kami ay nagbabaraha at naglalaro ng tong-it at sinamsam ang aming baraha at sinabi pang isusumbong kami sa aming guro.


Nang kinahapunan ay pinatawag kaming tatlo si jhamille,meriel at ako,pinapunta kami sa kabilang room kung saan nandoon ang aming adviser at sinabi kailangan pa daw ang aming mga magulang ang dami naming naging dahilan upang hindi matuloy ang pagpapatawag sa aming mga magulang,dahil kinulit namin si Mrs.Deomano pinaglinis nalang kaming tatlo ng room kaya ayon nalang ang naging parusa sa amin.Sobrang saya namin dahil nakaligtas kaming tatlo.Nang sumapit ang araw ng Dec.19,2009 shindig noon at sobrang saya ng lahat dahil lahat kami ay mahilig sa party!At ng araw ding iyon ay nabuo ang samahang ‘‘PARTY PIPZ”.kaya iyon ang naisipan naming ipangalan sa grupo dahil nga kaming lahat ay mahilig sa party. At hindi kami nagsasawa ang gulo-gulo namin may tulakan at sigawan pero kahit ganoon wala naman sa amin ang nasasaktan o kaya ay napipikon.Tuwang-tuwa ang bawat isa dahil magkakasama kami sa kaguluhan kahit ang mga lalaki ay nakikisaya at halos lahat ng 3-F noon ay kasali sa samahang Party Pipz at sa kalokohan at gimik kami ang magkakasama.Nang sumapit ang Feb.20,2010 sabado ay nag swimming ang buong barkada ang saya-saya noon dahil solo namin ang countryside kanya-kanyang tulakan sa pool at mayroon din namang kanta na kanta sa videoke.


At ng mag tanghalian na ay sabay-sabay kaming lahat kumain ang salaw ng kaklase naming lalaki dahil kakain na ay naghahagisan pa ng kanin at si Demet ng 4-G ay puro kanin na ang mukha at may picture pa ito sa facebook ng party pipz..=).haha sobrang saya talaga ng araw na iyon at hinding hindi ko malilimutan ang araw na iyon.Pero bago sumapit ang buwan na iyon ay dumaan muna ang january ang pinakamalungkot na buwan para sa aming pamilya dahil namatay ang aking tiya noong Jan.07,2010.sobrang sakit nito para sa amin sapagkat sobrang bait ng tiya kong iyon.Hindi pa matanggap ng lahat ang pagkawala ng tiya ko ay namatay na din ang pinsan ko nakaisa-isa ko pang inaanak pumanaw siya noong Jan.10,2010.napaka bata pa niya upang mamaalam agad sa mundo siya ay tatlong taon pa lamang pero ganun talaga ang buhay hindi lahat ay nagtatagal sa mundo maigsi lang ang buhay ng bawat tao kaya dapat gawin na ang gustong gawin basta alam mo na ito ay makakabuti sayo at wala kang masasaktan.Pagkatapos noon ay march pa lamang ay sinabi na ang magiging section namin si Ivy,Himor at ako ay napapunta sa 4-D hindi ko iyon matanggap dahil sa aming magkakabarkada kami lang ang nahiwalay at ang barkada naming lahat na lalaki ay sa 4-G,napunta naman ang tatlo sa 4-E at ang iba naman ay nanatili sa 4-F.Hindi namin nagustuhan ang naging resulta ng bawat section namin dahil ang katwiran ng bawat isa sa amin ay fourth year na at isang taon nalang ang aming pagsasamahan ay pinaghiwa-hiwalay pa kami.Pero sa huli ay natanggap din namin dahil wala naman kaming magagawa at kahit ganun ay nagkakasama pa din naman kaming lahat.Nang sumapit ang pasukan ng Fourth year ay nanibago ang lahat at ako ay lagi pa rin sumasama sa barkada.


Nung una ayokong pumasok sa section D dahil wala naman akong kaclose at balak ko noon na lumipat ng section F sapagkat nandoon ang mga barkada ko.Ngunit naisip ko na kailangan kong masanay at makisalamuha sa iba para magkaroon pa ng madaming kaibigan.Hirap akong makisama ng una dahil tingin ko sa kanila ay maarte hehe..Pero hindi rin nagtagal ay nakaclose ko silang lahat lalo na si Jianne,Joana,Zarah,Rica,Diane at Janus pero mababait naman lahat na kaklase ko .Naging masaya ako sa section namin dahil may oras na aral lang talaga minsan naman oras ng pagbubulakbol.Nagset ako ng swimming ng 4-D at sila naman ay nagsisamahan,ang hirap din pala magswimming ng biglaan dahil sa isang araw lang namin iyon pinag-usapan at kinabukasan ay nagswimming na nga kami.Sobrang saya ng araw na iyon pero halos lahat kami ay wala ng pera at wala kaming kakainin sa tanghali kaya naisipan naming mag-ambag ng limang piso pambili ng kanin at ulam na itlog.Kaawa-awa kaming lahat noon,pero ayon ay naging karanasan para sa aming magkakaibigan.


At noong pauwi na kami ay bahagyang umulan at naglakad lang kami sapagkat wala na kaming pera.Enjoy naman ang araw na iyon dahil hindi kami lahat makaliban pagkat sobrang putik at may dumi pa ng kalabaw kaya ang iba naming kasama ay umakyat nalang sa bakod makaliban lamang at puro babae pa ang umakyat haha!ang tinawag naming sa kanila ay “Akyat Bakod Girls” si Rica,Janus at ako ay binuhat naman para makaliban sa putik.Noong Jan.12,2011 ay nagkaroon ulit ako ng barkada ito ay ang “Best of the best”dahil lahat kami ay magkakaibigan dito ko masasabi na tunay silang lahat dahil kapag may problema ang isa ay tinutulungan namin ito at ang turingan namin sa isat-isa ay magkakapatid.Ang samahang Party Pipz naman ay unti-unti ng nasisira dahil ang iba ay nagkaka-away na kaya naisipan naming gumawa ng bagong grupo at ito nga ang “Best of the Best”.Mahigit isang buwan pa lamang kaming magkakasama ay hindi kami lahat nag-aaway at pinagkakasunduan namin ang lahat ng bagay dahil sa barkadang ito ay nakilala namin kung sino talaga ang dapat pagkatiwalaan.


Lahat kami ay babae at pito lang kami sa 4-D,isa naman sa 4-E,apat sa 4-F,at isa sa 4-G.Noong Feb.11,2011naman ay hindi na ako pumasok sapagkat araw na naman ito ng JS PROM namin.Ako lang ang nag asikaso sa aking sarili,simple lang ang naging ayos ko nung araw na iyon.Nung nasa Central Gym na kami ay sobrang ganda ng paligid dahil pang Hawaiian talaga ang bawat gayak.Sumayaw ang mga Representative ng bawat section at ganun din ang mga guro.At pagkatapos sumayaw ng mga guro sinabihan ako ni Mr.Vasquez na maging Representative ng aming section at “Hawaiian” ang naging tema ng JS PROM namin.Hindi ko akalain na mananalo ako at nakuha ko pa ang Ms.Hawaiian Tropic.Kinabahan ako nung biglang tawagin ang pangalan ko,dahil hindi ko talaga akalain na ako ay isa sa mga nanalo kahit sobrang simple ko lang noon at nanalo din ang kapareha kong si Aries.Sa loob ng 15 taong nabubuhay ako dito sa mundo ay naranasan ko ang maging masaya,malungkot,higit sa lahat natutunan ko kung paano makisalamuha,magmahal at mahalin ng iba.