marzellynroseanne


marlon ramos
kwin aizell abando
rubylyn guirina
lily rose ferrer
jianne dela cruz

Saturday, February 19, 2011

Talambuhay ni Kwin Aizell C. Abando

Sila ang aking mga magulang.
                             Isang magandang araw ang nangyari ng magkakilala sina Carlito Abando at Edna Colube.   Si Carlito ay tubong batangenio ,nadestino siya sa San Pablo City upang magtrabaho.madalas siyang bumili sa isang tindahan kun gsaan si Edna ang nagtitinda roon. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay tumibok ang kanilang puso para sa isa't isa.Ang kanilang pagmamahalan ay humantong sa kasalan na ginanap noong hulyo 26,1981. Naging masaya ang kanilang pagsasama.Nagkaroon sila ng limang anak na sina Gretel Mae, Jake Hanzel, Kristel Gaile, Frenstrelle at Kwin Aizell.

Noong ako ay apat na buwan. 
Noong ako ay limang buwan na!
                           Ako si Kwin Aizell C. Abando bunso sa magkakapatid.Ipinanganak noong Enero 22,1995. Isinilang ako sa San Pablo City, District Hospital. Nang ipinanganak daw ako noon sabi ng aking ina ay hindi man lang daw ako noon umiiyak. Patay daw ako noon sa inakala nila. Itim na itim daw ang balat ko. Tanda pa ng aking ina na isang baguhang nurse ang bumuhat at itiniwarik ako upang paiyakin upang mlaman kung ako'y buhay                        Sa mabuting palad ay buhay naman. Ngunit sa pagbuhat sa akin ng baguhang nurse ay bumakat ang mahaba niyang kuko sa aking binti na hanggang ngayon sa aking paglaki ay lubog na peklat ang naiwang marka.  Pinaglihi raw ako ng aking ina sa gatas kaya naman maputi ako noong ako'y bata pa. Sa palipas ng bawat araw ay naging isang ganap na kristiyano na ako. Bininyagan ako sa isang simbahang katoliko.Isang taon pa lamang daw ako noon ay nakakalakad na ako. Nang makaisang taon at kalahati naman nung ako'y makapagsalita.

Limang taong gulang ako dito

Ang aking mga kapatid, pinsan at guro
               Hindi na daw ako noon nakapagkinder sapagkat takot pa daw ako noon pumasok sa eskwelahan. Kaya naman ang nagsilbing guro ko noon ay ang aking ina. Tinuruan niya akong magsulat at magbasa. Tanda ko pa nga na mayroon din kaming recss time noon ni mommy. Madali nanman daw ako natuto kaya nung sumunod na taon ay meron na akong lakas ng loob na pumasok na sa eskwelahan.
                     Anim na taong gulang ako noon ng ako'y mag-aral sa unang baitang, sa San Pablo Central School,S.P.C. Naging masaya ako dahil marami akong naging kaibigan sa paaralan na ito. Elementarya pa lamang din ako noon ng ako'y magsimulang magkaroon ng crushes.Sa paaralang din ito ako nakapagtapos ng elementarya. Sobrang saya dahil nakatapos ako pero may halong lungkot sapagkat magkakahiwa-hiwalay na kaming mga magkakaibigan. Mag-iba iba na ang eskwelahang aming papasukan.
Labing tatlong taong gulang na ako nito,')
                           Hayan  at sumapit na ang pasukan. Nasa unang antas na ako ng hayskul. Bagong paaralan para sa akin , malaking pagbabago ang aking naramdaman. Kaba't takot ang nangibabaw sa aking kalooban sapagkat bagong pakikisama din ang aking gagawin. Hindi naman gaano naging mahirap sa akin ang pakisamamahan ang mga bago kong kaklase. Naging maayos naman ang aking naging pag-aaral sa bago kong paaralan . Marami akong naging mga kaibigan na nung una ay kinaiilangnan ko pa, pero nasanay na rin naman ako nang magtagal. Sa taong din ito nang ako'y umibig. Isang sakristan ang nakapagpatibok na aking puso, si Jerome Dizon. Nobyembre 2,2007 nang sya'y aking sagutin. Nakilala ko siya sa San Roque Church,sya ay isa ngang sakristan doon at miyembro naman ako ng isang organisasyon doon ng choir. Pero lihim lang ang relasyong iyon. Ngunit dalawang buwan lamang nagtagal ang aming pag-iibigan. Hindi ko na rin inalam kung bakit siya umayaw dahil tanggap ko naman na ayaw nya na. Naging inspirasyon ko na lamang ang una kong pag-ibig. Pinagbuti ko na lamang ang aking pag-aaral. Subalit nang makalipas ang tatlong buwan ay di ko pa rin napigilan ang sarili kong muling buksan ang aking puso sa isang lalaking di ko inaasahang mamahalin ko rin. Siya si Demetrio Tayobong, kaklase ko siya,at naging kami noong marso 10,2008.naging masaya rin naman ang aking pangalawang pag-ibig kahit lihim lang din ang aming relasyon. Subalit hindi ko talaga maramdaman sa kanya na seryoso siya sa akin. kaya wala pang isang buwan ay hiniwalayan ko na sya. Dahil ayoko ng maramdaman pang muli ang sakit na naramdaman ko sa una kong pag-ibig.
Si ate Gretel at si ate Kristel,  
Dumating ang buwan ng abril, bakasyon na! masaya ako dahil napagtagumpayan ko ang unang antas sa sekondarya. Ang sabi ko noong una ay ang aking pamilya at ang taas lang ang paggugugulan ko ng aking panahon, at un ay nangyari nga. 
Si ate Kristel at ako
             lumipas ang maraming araw, pasukan na naman. ako'y nasa ikalawang antas na ng hayskul. marami ring naging bago sa paningin ko dahil mayroon din nagbago sa mga kaklase ko. Napahiwalay kasi ang iba kong kaklase dahil iba't iba na ang aming seksyon, ang iba ay tumaas. Naranasan ko sa antas na ito ang makipag-away ng dahil na rin sa hindi namin pagkakaunawaan hanggang sa di na talaga kami magkaimikan ng buong taon. siya ang aking matalik na kaibigan. Dito ko naranasan ang maikumpara ako ng aking guro sa aking kapatid. Mas mahinhin pa daw ang aking kuya kaysa sa akin. Sumapit ang buwan ng Agosto, pag-ibig na naman ang nagreyna sa puso ko, si Ardion Guia na isa ring sakristan sa San Roque Church na matagal na ring nanliligaw sa akin noon., ay natutunan ko na rin siyang mahalin. Naging bukas ang aming relasyon sa aming mga magulang. Siya na nga ang para sa akin ng mga sandaling iyon. Seryoso ang pagmamahalan namin noon. Ngunit nakaapektong iyon ng lubos sa aking mga grado. Hindi ako nagkaroon ng tamang paggugugulang panahon. Mabuti na nga lamang at napagpayuhn ako kaagad ng aking ina kaya napagbuti ko pa ang aking pag-aaral. Lumipas ang tatlong buwan ay nadala na naman ako sa mapusok na panahon. Isang lalaki na hindikoaakalaing magkakagusto sa akin. Disyembre noon, nalilito ako sa aking damdamin. Hindi ko mawari kung sino ang dapat kong mahalin. Ang kasintahan kong lagi kong nakaksama o ang isang baguhang tapag-ibig ko pa lamang? Nang dahil nga nasa mapusok na panahon ako ay nagdesisyon akong mahalin si Amiel Villagracia, ngunit wala pa ring isang buwan ay nalaman ng aking mga magulang na iba na pala ang aking kasintahan at hindi na si Ardion. Nalaman rin nila na hindi maganda ang ugali ni Amiel kya't agad kaming pinaghiwalay ni mommy. Maraming araw na rin ang nagdaan aay nakumbinsi naman akong muli ni Ardion kaya minahal ko na rin siyang muli. Naging maayos na ang lahat. Natapos ko na rin ang pangalawang antas ng hayskul.')
                        Nasa ika-tatlong antas na ako. Nakipag-ayos na sa akin ang matalik kong kaibigan. Si Lorielyn D. Abril. Kasabay noon ay naging kaibigan ko na rin si Mary Grace Dellosa..Naging masaya ang aming pagsasama. Sa bawat araw ,kaming tatlo lamang ang magkakasama.Wala sa amin noon ang salitan "away".Kay Lorie ko naman naranasan ang kami'y mapaguidance. Dahil sa aming paglabas ng room ng mayroon pa kaming klase .Kaya ipinareport kami ng aming guro sa guidance. Takot na takot ako noon. Buti na nga lamang at napatawad kami kaaagad ng aming titser. Lumipas na ang buwan ng hunyo at hulyo. Maayos pa rin ang relasyon namin ni Ardion, mag-iisang taon na kami sa aug.15. Nang sumapit ang araw na iyon ay naramdaman kong sya na talaga ang para sa akin. Gusto na rin kasi siya ng aking magulang at tanggap naman ako sa kanila. Lahat na nang kamag-anak ko'y kilala na siyang lubos.Ngunit ng malaman ko at ng aking ate na may pinopormahan na syang iba ,ay agad kaming pinaghiwalay ni ate. Hindi ko na napagbigyan sa dala ng aking emosyon. Nasayang ang isang taon pagsasama namin.
                     Isang magandang balita naman ang aking narinig sa kabila ng kalungkutan ko. Mayroon kasing "concert" na magaganap sa aming parokya. Kami mismong mga kabataan doon ang mag-peperform.  Magkahalong saya at kaba ang naramdaman ko at tila sabik na sabik na akong maganap iyon. Wala kaming sinayang na sandali nagsimula kami ng pag-eensayo. Sumali ako sa isang "free workshop" para matutunan ko ang tamang pagkanta sa harap ng madaming tao at maging malakas ang aking loob.Si Teacher Lea ang nagtuturo sa amin noon, mayroon din kaming "free voice lesson". Ang kantang "Ugoy ng Duyan" ang inawit ko noon. Agosto 29, 2009 ng ginanap ang aming concert, kabang-kaba ako noon, pasalamat ako sa Diyos pagkatapos kong umawit dahil naawit ko ng maayos ang nakaatang na awitin para sa akin.At dahil sa concert na ito ay mabilis akong nakamove on noon. Kaya't pinagpatuloy ko pa ang aking buhay nang hindi nawawalan ng pag-asa. Naisip ko na rin ng mga oras na iyon na malapit na akong tumuntong sa ikaapat na antas kung kailan ako'y makakapagtapos na ng pag-aaral. Sumapit at natapos ang araw ng pasko at bagong taon, ay masaya naman ang aking naranasan.
Enero 3,2009 noon ng ako'y muling umibig. Siya ay si Eljay Luces na matagal na ring nagkakagusto sa akin at nitong Enero lamang naglakas loob manligaw. Naging masaya naman ako sa relasyong iyan. Mabait siya at maalalahanin.                   Pebrero naman noon, malapit na ang araw ng mga puso kung saan magkakaroon ng isang prominade ang mga junior at senior ng aming paaralan . Kasali ako noon at syempre naging masaya ako ng gabing iyon dahil ang 1st dance ko ay si Eljay. Marami nya akong beses isinayaw, kada isang magandang awitin ay niyayaya niya akong isayaw. Naroon din ang mga Kaklase na isinayaw rin naman ako. Naging espesyal talaga sa akin ang gabing iyon. Nakatanggap kaming mga dumalo ng isang unang pula bilang isang souvenir.
    sa bawat pagbilis ng oras ay syang gaano kabilis ng panahon. Kung gaano din nagbabago ang panahon ay sya rin namang pagbabagong naramdaman ko para kay Eljay. Hindi rin naman siguro kami para sa isa't isa kaya nagdesisyon na akong hiwalayan siya. Hindi naging madali sa akin ang desisyong iyon pero talagang desidido na ako. Pagkatapos ng relasyong iyon ay nangako na ako sa sarili kong di na ako makikipagrelasyon dahil malapit na sa puntong ako ay makakatapos na ng pag-aaral. Inisip ko muna na bago ako mag 4th year hayskul ay pag-aaral muna ang aking pagtutuunan ng pansin. Wala noon sa bokabularyo ko ang pakikipag-boyfriend.
                     Nasa ika-apat na akong antas ng hayskul, sabik na ako sa pagtatapos. Ang sarap sa pakiramdam na humantong na ako sa ganitong sitwasyon. Unang pasukan pa lamang noon ng Hunyo ay labis ko ng kinatatakutan ang aming adviser dahil kilala siyang isang "terror teacher" sa aming paaralan. Noong unang araw ng pasukan ay sobra akong kinakabahan sa aking mga bagong guro, ngunit pansamantala itong nawala ng maramdaman kong mababait naman sila. Sa paglipas n bawat arw ay padami ng padami na naman ang aking natututunan.Nagkaroon ako ng interes na pag-aralang mabuti ang asignaturang pisika. Ang adviser namin ang nagtuturo sa amin ng "Physics" isa siyang magaling na guro kaya naman mas madali akong natuto sa aming mga leksyon. Naging paborito ko ang asignaturang ito, dahil din dito ay napasama ako sa isang "Science Camping". Ang saya saya ng unang gabi, walang tulugan. Hinding hindi ko talaga yun makakalimutan. Ang kasakasama ko noon ay ang aking kaibigan na si Lorielyn. Tanda ko pa na may pangyayari noon na biglang umulan,naghabulan kami ni Lorielyn sa ulanan. Napakasaya talaga ng mga sandaling iyon. Naligo rin kami ng sabay noon sa banyo. madami kaming "activity" na isinagawa noon at madami din akong lubos na natutunan.
                                  Hindi lang sa paaralan ako may natututunan maging sa simbahan,isang "concert" na naman ang naganap sa aming parokya. Noong Oktubre 29, 2010 ito ginanap. Sa pagkakataong ito lalo akong nahasa sa pagkanta dahil sa bawat araw ng pag-eensayo. Naka-duet ko pa noon ang aking kapatid na si Kuya Frenstrelle, ang awiting "Wind beneath my wings at You raise me up" ang aming inawit. At ang hindi ko malilimutang nangyari noon ay ang napasayaw nila ako. Hiyang-hiya ako noon dahil hindi ako magaling sumayaw, pero wala akong magawa dahil kailangan. May pagkakataon pa na sa gitna ako napapwesto,buti nalang nagawa ko ng maayos ang mga "steps" na tinuro sa amin. Marahil sa tulong na rin ng Panginoon kaya nagkaroon ako ng lakas ng loob na makasayaw sa harap ng madaming tao. Naging maganda ang kinalabasan ng aming "concert" kaya naman masaya ang bawat isa sa amin noon, sulit ang pagod ng bawat isa. Sa Simbahan ko rin natagpuan ang aking huling mamahalin. Hindi ko natupad ang pangako ko sa aking sarili. Talagang wala akong nagawa pang pigilin ang damdamin ko para sa kanya. Siya ay si Jean Benedict Josue, isa sa mga kachoir ko roon. Bukas ang aming relasyon sa aming mga magulang. Isa pang di ko malilimutan na nangyari sa akin sa loob ng simbahan ay ang magkaroon ng isang "play". Tuwing Simbang-Gabi ay taon-taon namin itong ginagawa kasama ang lahat ng kabataan sa bawat organisasyon ng simbahan. Naranasan kong gumanap bilang isang guro sa isang ampunan, nahirapan akong gawin ito dahil hindi naman ako magaling sa pag-arte, kinakailangan ko pa nga na umiyak noon, ngunit hindi ko yun nagawa nagpanggap na lang akong umiiyak.Sa kabila ng lahat ng pagod namin noon, bilang "reward" sa amin ng aming kura paroko ay nagpunta kami sa Enchanted Kingdom,unang pagkakataon kong makapunta doon. Ang ganda-ganda ng paligid.Sumakay ako sa isang "rides" ito ay ang "Space Shuttle" habang ako ay nakasakay doon ay punong-puno ng kaba ang aking puso lalo na ng nagsimula na itong paandarin.Sumakay din ako sa "Anchor's Away na nakatabi ko si Ben. Sumakay din ako sa "Rio Grande" naranasan ko din ang mabasa dahil sa rides.Napakasaya ko talaga ng araw na iyon,tila bitin ang oras na inilagi namin doon. Dahil gabi na rin kami nakapunta doon.
                       Sa pagsapit ng Enero , buwan din kung kailan ko pinagdidiwang ang aking kaarawan. Ito na yata ang pinakamasayang kaarawan na nangyari sa akin. Sapagkat halos lahat ng kaibigan ko sa choir ay nakapunta sa aking pagdiriwang kasama na dun si Ben na pinakaespesyal na taong dumalo sa aking kaarawan. Bandang hapon na noon ay hindi ko akalaing  hindi pa pala tapos ang pagsasaya dahil sinorpresa pa ako ng Parish Youth Ministry na isa ring organisasyon ng choir sa San Roque. May handog sila sa aking isang "chocolate cake" at pansit.')
                       Pebrero na naman, sumapit ang araw ng mga puso. Binigyan ako ni Ben ng bulaklak na lubha ko namang ikinasaya sapagkat non lang ako nakatanggap ng ganon. At Nagkaroon naman muli ang aming paaralan ng isang junior and senior prominade. Kasali akong muli. Hindi gaano naging masaya ang prom na ito para sa akin, pero ito na rin yung huling event na makakasama ko ang mga naging kaibigan ko kaya magandang karanasan na rin ito upang may maganda rin namang ala ala sa kanila.
                       Hindi lang diyan magtatapos ang buhay ko at pinapangako ko na kahit anong mangyari magtatapos ako ng aking pag-aaral sa kolehiyo. Hindi lang ang magulang ko ang magiging inspirasyon ko kundi ang aking minamahal na si Ben. Pinapangako kong mamahalin ko na siya habang buhay.')Pinapangarap kong makatulong sa aking magulang at mapaginhawa na ang kanilang buhay. Pasaway man ako, hindi man ako katalinuhan, pero pinapangako ko ring magkakaroon ng magandang direksyon ang aking buhay. Pinapangako kong hindi mapapako ang lahat ng aking pangako.
Ang kasalukuyang ako.')

No comments:

Post a Comment