marzellynroseanne


marlon ramos
kwin aizell abando
rubylyn guirina
lily rose ferrer
jianne dela cruz

Wednesday, February 16, 2011

Ang Aking Talambuhay



                  Ang  Talambuhay ni Marlon Tolentino Ramos

isang taon akodito sa larawan at aking kaarawan
    Ako si Marlon Tolentino Ramos ipinanganak noong ika-5 ng Hulyo taong 1994. Nakatira ako sa San Miguel San Pablo City, Laguna. Ang aking mga magulang ay sina Nicanor Velasco Ramos jr. at si Rosita Tolentino Ramos. Apat kaming magkakapatid sina Michael, Marlon, Michelle at ang pinaka bunso si Markjhun. Pangalawa ako sa panganay na magkakapatid.
                  
                   Nang ako ay limang taong taong gulang, kami daw ng kuya ko ay takot na takot ng dumaan ang isang mababang eroplano na pababa sa airport. Dahil nakatira kami noon sa pampanga na halos malapit sa airport. MArami daw akong tinamong sugat dahil sa pagkakadapa ko sa sobrang takot papunta sa bahay.
2yrs old akodito sa larawan
                   Nang una kong pasok bilang ika-unang baitang sa elementarya sa San Miguel Elem.Schoolay takot na takot ako dahil iiwan ako ng aking magulang pero nasanay din ako sa pagtagal tagal. Pero sa malas ay bumagsak ako at mulit uli sa pagiging grade 1. At sa sumunod na taon ay nakapasa ako at nagtuloy tuloy hanggang sa ika-6 na baitang. Marami sa amin ang naiwan sa iba't ibang baitang at ang iba ay huminto sa pag-aaral. Ang mga pinakamsayang araw ko ng elementarya ay noong nasa ika-4 at ika-6 ako.

                  Nang nasa ika-4 na baitang ako ay marami ako naging bagong kaklase na bagong lipat sa paaralan. Akala ko ay sila'y mababait pero magulo pala sila, pero ayos din naman silang kasama bilang kaklase. At nang ika-6 na baitang ako ang pinaka masaya dahil iyon ang panahon na mahalaga hindi lang sa tulad kong mag-aaral lalo na sa mga magulang. dahil magtatapos kami.
At nang araw nng pagtatapos ay marami ang natuwa at umiyak. Natuwa dahil ang pagsisikap ay nagbunga ng magandang katapusan at umiyak dahil magkakalayo-layo na kami. Pero ayos lang  sa akin dahil hindi naman iyon ang huli naming pagkikita.
pang walo ako sa kanan ngnasa likoran
                 At bagong yugto ng pag-aaral ang secondarya. Ang unang pasok ko ay katulad ng una ko rin pasok noong ako ay nasa elementarya, takot at kinakabahan. Pero masaya dahil marami akong magiging kilala at kaibigan. Noong unang pasok namin ng unang araw ay napagalitan agad kami dahil sa dalawang dahilan. Ang una ay hapon lang kami pumasok dahil ang sabi samin ang pasok daw namin ay pang hapon. Ang ikalawa ay ng pagkaawas namin sa unang klase dahil lumabas kami at bumili kami pagbalik namin ay nasa loob  na ang sunod na guro at galit na galit dahil lilima lang ang naiwan sa loob ng silid dahil lahat ay lumabas at kung saan saan pumunta.

                Nang  ika-2 antas ng secondarya ay ganun pa rin ang aking seksyon.Marami ang umalis sa seksyon namin, may tumaas, at may bumaba.

               Tandang-tanda ko pa noong ika-18 ng abril ng taong 2008 iyon ang panahon ng bakasyon namin. Isang masamang pangyayari ang naganap. Npatakan ako ng itak sa kanang paa at dumugo ng napakarami. Ang pangyayaring iyon ang dahilan ng isang pilat at bali sa hinlalaki sa kanang paa ko. Hindi ko malilimutan ang bakasyong iyon dahil sa masamang nangyari sa akin. Tumatak sa isip ko ang bawat pangyayari, pero hindi ako umiyak noon dahil hindi ko iyon pinapansin.

ako ang nasa ikatlo sa kaliwa sa mga naka upo
               Noong nasa ikatlong antas na ako ng sekondarya ay nakilala ko ang mas marami pang kaibigan. At ng pauwi ako galing sa eskwelahan ay iyon ang una kong pasok bilang 3rd year ay nakasabay ko ang isang dating kaklase noong ako ay nasa elementarya. Sinabi niya sa akin na ang pagiging 3rd year student ay mahirap daw.Ang sinabi ko naman sa kanya " ano ba ang pinagkaiba noon pareho lang namang pumapasok din iyon. At mas mahira ang hindi pumapasok.
sayang hindi masyado kita kagwapuhan ko,nasa gitna ni alvin at cortez
               Pumapasok kami ng maaga at paminsan minsan ay  nagdidilig kami ng halaman ng aming guro bago pumasok. Halos ang taong iyon ang pinakamasya dahil marami akong nasubukan at naranasan. Naranasan kong sumali sa J.S. Prom at ito ay naging masaya dahil naisayaw ko ang mga kaklase ko. At pagkatapos ng JS tumuloy kami sa simbahan ng mga kabarkada ko at napagalitan kami ng isang babae dahil ang gulo namin sa loob ng simbahan. At lumabas na kami. Nang makalabas kami ng simbahan ay umiwi na kami upang makapagpahinga.

             At ng nasa huli at ika-4 na antas na kami ng pag-aaral ng sekondarya ay lalong sumaya dahil nalalapit na ang aming pagtatapos. Marami ang nangyari kahit hindi pa natatapos ang taon ng pasukan.Naranasan kong sumama sa isang educational fieldtrip at kasama ko rin ang aking mga kabarkada. Iyong ang kauna unahan kong pagsama sa isang fieldtrip sa unang pagkakataon. Hindi ko malilimutan ang mga lugar na pinuntahan namin at mga pangyayari sa pagkakatong iyon. Sumama rin ako sa Sci Camp na ginanap sa aming paaralan, iyon ang una kong subok sa ganung pangyayari na sumama ako. Kami na naman ng mga kabarkada ko ang magkakasama. Halos hindi kami maktulog dahil sa mga biruan, ingay, tawanan at salawan namin sa isa't isa. Pagsapit ng umaga ay mga puyat kami pero ayos lang yon dahil masaya naman.At ng pangalawang gabi kami na naman ay pinuntahan ng isang guro dahil sa sobrang ingay at gulo sa loob ng silid. Dahil pagod sa ginawa sa buong maghapon ay nagawa pa rin namin magsalawan. Halos hindi kami makatulog dahil sa mga kasalawan tulad ng paglalagay ng pulbos sa mukha pag natutlog  kaya hindi ako natulog.

nag bubukas ako ng regalo noong aking kaarawan
              Naranasan din namin magsayaw bilang isang grupo dahil kami ay mga 4th year na kasali sa mga aktibidad tulad ng cheer dance at iba't ibang laro. Masaya ang mga nangyari sa mga laro dahil nag champion kami sa football at nakakuha kami ng 3rd place sa volleyball. Sa cheerdance ay hindi kami pinalad ayos lang iyon sa amin dahil sinubukan naman namin at ginawa ang makakaya.

          Mahirap at masaya ang naransan ko kasama ang iba. Pero ngayon kami ay magtatapos na pero hindi namin alam kung talagang makakatapos kami at pipilitin naming kasama ang lahat.



apat na taon ako dito, yng nasa kaliwa



nasa pinakadulo ako sa kaliwang
bahagi sa hanay  ng mga lalaki
Dahil kapag nakatapos ay iyon ang hudyat ng pagtatapos at pagsisismula. Pagtatapos bilang sekondarya at pagsisimula ng yugto bilang kolehiyo. Hindi lamang kami ang matutuwa kung hindi ang magulang at nagmamahal sa amin. Marami akong natutunan bilang isang mag-aaral tulad ng :" pwede kang magtagumpay ng nag-iisa, pero hindi ka mabubuhay ng walang kasama" at "Ang isang pangarap ay matutupad pag hinaluan ng pagsisikap". Ang pagtatapos ng unang yugto ay ang pagsisimula ng  panibagong kabanata.  

No comments:

Post a Comment